Total ban sa provincial buses sa EDSA isusulong ng MMDA sa 2019

Isusulong ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang total ban sa mga provincial bus sa EDSA sa January 2019.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, nakatanggap na sila ng kautusan mula sa Malakanyang para i-ban ang provincial buses sa EDSA upang makatulong na maibsan ang pagsisikip ng traffic.

Partikular na utos ayon kay Garcia ang isara ang mga terminal ng bus sa EDSA epektibo sa Enero.

Pinag-aaralan ng MMDA na pansamantalang maglagay ng terminal ng mga maapektuhang bus company sa Valenzuela at sa Sta. Rosa, Laguna.

Ito ay habang inaayos pa aniya ang pagtatayo ng permanenteng bus terminals sa Bulacan at sa FTI, Cavite.

Ani Garcia, hindi nila maipatutupad ang pagsasara sa mga terminal kung walang pagliiipatan sa mga ito.

Read more...