MRT magpapatupad ng bagong schedule ng biyahe ng kanilang Dalian trains

By Dona Dominguez-Cargullo November 09, 2018 - 05:16 PM

Babaguhin ng Metro Rail Transit-3 ang schedule ng pagbiyahe ng Dalian trains nito simula sa Sabado, Nov.10.

Ayon kay MRT-3 director for operations Michael Capati, ang mga tren na galing sa China-based na CRRC Dalian ay idedeploy ng alas 5:30 ng hapon hanggang alas 10:30 ng gabi kada weekend.

Ito ay bahagi ng 1,000 kilometer test run ng mga bagon ng Dalian.

Kapag naman weekdays, ang biyahe ng Dalian trains ay alas 9:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr) kailangang matapos ng Dalian coaches ang test run para sa 150 hours bago ito magamit kapag peak-hours.

Inaasahang sa susunod na buwan ay makukumpleto na ang test run requirement.

TAGS: dalian, MRT, Train, dalian, MRT, Train

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.