Reporma sa DICT maipatutupad ni Honasan – Malakanyang
Kumpyansa ang Malakanyang na maipapatupad ni Sen. Gringo Honasan ang mga totoong reporma sa Department of Information and Communications Technology (DICT) matapos nitong tanggapin ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na pamunuan ang ahensya.
Ayon kay Presidential Spokesperosn Salvador Panelo, masaya ang palasyo na tinanggap na ni Honasan ang alok na maging bahagi ito ng gabinete.
Ngayong mayroon na aniyang provisional new major player sa telecommunications industry, naniniwala ang administrasyon na maigigiya ni Honasan sa tamang direksyon ang DICT alinsunod sa priority programs na pakikinabangan ng mga pilipino sa aspeto ng impormasyon, komunikasyon at teknolohiya.
Binati din ng palasyo ang senador sa pagpasok nito sa ahensya.
Ang pagtalaga kay Honasan ay sa gitna ng pagpili ng DICT sa Mislatel, isang joint venture ng China Telecom at negosyanteng si Dennis Uy, bilang third telco sa bansa na sinasabing magtatanggal ng duopoly ng PLDT at Globe Telecom.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.