Agawan sa teritoryo sa South China Sea tatalakayin sa ASEAN-China Summit sa Singapore
Kasama ang agawan ng teritoryo sa South China Sea sa agenda ng ASEAN-China summit sa Singapore.
Pag-uusapan ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN at China sa summit sa susunod na linggo ang mga developments sa South China Sea sa gitna ng patuloy na reklamasyon at militarisasyon ng Beijing sa pinag-aagawang teritoryo.
Sa briefing sa Malakanyang, sinabi ni Foreign Affairs Asst. Sec. Junever Mahilum-West na tiyak nilang isa ang South China Sea sa mga isyung tatalakayin sa summit.
Ayon kay Mahilum-West, ang Pilipinas ang coordinator ng ASEAN-China dialogue partnership mula 2018 hanggang 2021.
Hindi sinabi ng opisyal kung anong partikular na isyu ukol sa South China Sea ang mapag-uusapan sa summit pero sigurado anyang kasama ito sa discussion.
Pupunta si Pangulong Rodrigo Duterte sa Singapore mula November 13 hanggang 15 para dumalo sa 33rd ASEAN Summit and Related Summits.
Bukod sa South China Sea, inaasahang mapag-usapan din sa summit ang terorismo, illegal drugs at kalakalan sa rehiyon.
Sinabi ng DFA official na nasa apat hanggang limang bansa ang humiling ng bilateral meetings kay Pangulong Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.