PT&T at Sear-LCS naghain ng motion for reconsideration sa NTC

By Isa Umali, Jong Manlapaz November 09, 2018 - 04:07 PM

Kuha ni Jong Manlapaz

Naghain na ng apela sa National Telecommunications Commission ang PT&T at ang Sear o LCS-Tier 1 matapos kapwa ma-disqualify sa paglahok sa selection process para sa 3rd telco dahil sa kabiguang makapagsumite ng Certificate of Technical Capability.

Ayon kay Benjie Henares ng PT&T, umaasa silang na bibigyang-pansin ng NTC ang kanilang MR at muling tingin ang kanilang bid documents.

Dumating upang maghain ng MR sa NTC ang Sear Telecom na kinabibilangan ng grupo ni dating Gov.Luis Chavit Singson.

Ayon sa Sear, iniligaw umano ng Mislatel consortium ang publiko at DICT sa hindi pagsasapubliko sa exclusive contract nito sa iba pang kompaniya.

Tinukoy ng Sear na ma obligasyon ang Mislatel ito sa Digiphil.

Batay sa rules ng NTC, libre naman ang paghahain ng MR pero kung aapela ulit, dapat magbayad ang kumpanya ng P10 million.

Ang NTC ay mayroong tatlong araw para rebyuhin at magpasya sa MR na naisumite sa kanilang tanggapan.

TAGS: 3rd telco, LCS, Sear, 3rd telco, LCS, Sear

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.