PNP chief Albayalde bumisita sa PNPA

Binisita ni PNP Chief Oscar Albayalde ang PNP Academy sa gitna ng oral sex scandal na ikinatanggal sa pwesto ng dalawang director ng academy.

Ayon sa PNP Public Information Office, nakipag-usap si Albayalde sa mga kadete ng PNPA.

Sinabi ni PNP Spokesperson Chief Supt. Benigno Durana Jr. Na ang mga isyu kaugnay ng pnpa ang napag-usapan sa pagbisita ng pnp chief kabilang ang naturang iskandalo.

Nais anya ni albayalde na pakinggan ang mga kadete at ang plano ng bagong talagang director ng PNPA na si Chief Supt. Chiquito Malayo.

Pinalitan ni Malayo si Chief Supt. Joseph Andol na tinanggal bilang PNPA director noong Oktubre dahil sa umano’y oral sex na pinagawa ng isang senior cadet sa dalawang plebo habang nanonood ang dalawa pang upper class.

Layon ng pagbisita ni Albayalde na magkaroon ng inspirasyon ang mga kadete at maitaas ang kanilang morale.

Read more...