Apela ni NDFP consultant Vic Ladlad sa kaso kaugnay sa mass murder sa Leyte dininig ng korte
Dininig ng korte sa Maynila ang inihain motion for reconsideration ng consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na si Vic Ladlad.
Ayon kay Chel Diokno, abogado ni Ladlad, dapat lang ibasura ang mga kaso dahil nang mangyari ang sinasabing mass murder sa Leyte ay nakakulong sa Camp Nakar sa Quezon Province ang kanyang kliyente kayat imposible na may partisipasyon ito sa insidente.
Ang pagpatay ay isinagawa umano ng mga miyembro ng NPA at ang kaso ni Ladlad ay naisampa noon pang 2006.
Nagbigay naman ng 10 araw si Judge Thelma Medina ng Manila RTC Branch 32 para magbigay ng komento ang magkabilang panig sa mosyon.
Pagkatapos ng itinakdang panahon malalaman din ang kahihitnan ng inilabas na bench warrant kay Ladlad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.