Performance ng BTS sa Japan nakansela dahil sa kontrobersyal na t-shirt na suot ni Jimin

Photo: ALLKPOP.COM

Kinansela ng isang Japanese television ang performance sana ng popular na Korean boyband na BTS.

Ito ay matapos mag-viral at maging ugat ng kontrobersiya ang suot na t-shirt ng isa sa mga miyembro nito na si Jimin.

Batay sa nag-viral na mga larawan, sa likod ng t-shirt ay may nakasulat na “PATRIOTISM OUR HISTORY LIBERATION KOREA” nang paulit ulit.

At pagkatapos ay mayroon itong larawan ng pagsabog ng atomic bomb at mga Korean na tila nagdiriwang.

Ang naturang t-shirt ay nauna na umanong isinuot ni Jimin noong nakaraang taon nang ipagdiwang ng Korea ang pagwawakas ng pananakop ng Japan noong 1945.

Sa statement ng TV Asahi, sinabing hindi namatutuloy ang appearance ng BTS dahil sa kontrobersiya.

Naglabas din ng pahayag ang BTS pero humingi lang ito ng paumanhin sa mga nag-aabang na fans.

Pero walang binanggit ang BTS hinggil sa kontrobersiya.

Read more...