Carigara, Leyte niyanig ng Magnitude 3 na lindol
By Dona Dominguez-Cargullo November 09, 2015 - 10:33 AM
Niyanig ng magnitude 3 na lindol ang bahagi ng bayan ng Carigara sa lalawigan ng Leyte.
Naganap ang pagyanig alas 9:05 ng umaga ngayong araw ng Lunes, November 9, at naitala ito sa 5 kilometers South ng Carigara.
Bagaman mahina lamang ang magnitude, naramdaman pa rin ang Intensity 3 sa Kananga, Leyte at Ormoc City.
Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol at walang inaasahang aftershocks o pinsala dahil sa nasabing lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.