Guilty verdict kay Rep. Imelda Marcos patunay na walang kinikilingan ang justice system ng bansa – Malakanyang
Ang hatol na inilabas ng Sandiganbayan kay dating Unang Ginang Imelda Marcos ay patunay na walang kinikilingan ang justice system ng Pilipinas.
Reaksyon ito ng Malakanyang matapos mapatunayang guilty ng Sandiganbayan si Marcos sa pitong bilang ng kasong graft at mahatulan itong makulong ng hanggang 11 taon.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, inirerespeto ng palasyo ang desisyon ng Sandiganbayan.
Bagaman mayroon pa aniyang mga legal na hakbang na pwedeng gawin ang kampo ng dating unang ginang, ang naging pasya ay patunay na gumagana ang justice system ng bansa at wala itong pinapaburan.
Magsisilbing aral at paalala din aniya ito sa mga nakaupo sa pamahalaan na ang pagiging public servant ay may kaakibat na public trust.
Dahil dito, mahalaga aniyang gawin ang tungkulin nang propesyunal at may integridad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.