10 miyembro ng Budol-Budol Gang arestado sa isang mall sa Makati

By Dona Dominguez-Cargullo November 09, 2018 - 01:55 PM SHARE(S):
SPD Photo

Inaresto ng Makati City Police Station ang sampung miyembro ng “Budol-Budol” gang na nag-ooperate sa Metro Manila at mga kalapit na lungsod at munisipalidad.

Ang sampung suspek ay dinakip sa loob ng Powerplant Mall sa Rockwell makaraang humingi ng tulong sa mga pulis ang mga security guard ng mall sa presensya ng mga ito na paikot-ikot sa loob ng mall.

Ayon kay Sr. Supt. Rogelio Simon, hepe ng Makati City Police, modus ng mga suspek ang maghanap sa mall ng tatergeting biktima.

Kinilala ang mga suspek na sina:

1. Angelita Ditos, 52 anyos
2. Mabelle Lopez, 42 anyos
3. Elenita Alba, 58 anyos
4. Analyn Perez, 43 anyos
5. Marie Cablo, 37 anyos
6. Linda Marquez, 44 anyos
7. Adelmo Ranas, 58 anyos
8. Ramon Bertuldo, 51 anyos
9. Jerry Apao, 59 anyos
10. Edgar Yabut y Cruz, 60 anyos

Matapos maaresto nagdatingan naman sa Makati police ang mga nabiktima ng mga suspek.

Nakuha sa mga suspek ang bundle ng P500 na pinalamanan ng P20 para palabasin na P250,000 ang laman nito.

May nakuha ring dollar money, mga alahas, pitong pirasong cellphone, iba’t ibang wallet, at dalawang sasakyan.

TAGS: Budol Budol Gang, Makati, Radyo Inquirer, Budol Budol Gang, Makati, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.