Sinabi nito na nagsamantala rin sa posisyon at lumustay din ng kaban ng bayan ang iba pang miyembro ng kanyang pamilya.
Sinabi ng kongresista na nararapat lamang ang ibinabang hatol ng korte laban sa dating first lady.
Pero, nanghihinayang ang mambabatas dahil napakatagal bago naibigay ang hustisya para sa mga Pilipino.
Para naman kay Akbayan Rep. Tom Villarin ang conviction ng Sandiganbayan kay Rep. Marcos ay malinaw na patunay na kailangan itong managot sa conjugal dictatorship sa bansa sa loob ng mahigit tatlong dekada.
Welcome relief anya ang pasya at nakakabawas ng kirot na dulot ng nakalipas.
Ani Villarin, hindi maaring gamitin ng dating unang ginang ang kanyang edad na 89 upang hindi makulong dahil sa humanitarian reason.
Kailangan anya itong arestuhin at ilabas sa publiko ang larawan sa gagawing pagdakip dito.