Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 3.2 na lindol

By Dona Dominguez-Cargullo November 09, 2018 - 01:08 PM SHARE(S):

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang bayan ng Sarangani sa lalawigan ng Davao Occidental.

Naitala ang lindol alas 12:41 ng tanghali, araw ng Biyernes, Nov. 9.

Ang epicenter ng lindol ay sa 109 kilometers south east ng Sarangani.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 150 kilometers.

Hindi naman nakapagtala ng intensities bunsod ng pagyanig at hindi rin inaasahang magdudulot ito ng pinsala at aftershocks.

 

TAGS: Davao Occidental, radyoinquirer, Sarangani, Davao Occidental, radyoinquirer, Sarangani

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.