Fil-Am Kelsey Merritt rumampa sa fashion show ng Victoria’s Secret

By Dona Dominguez-Cargullo November 09, 2018 - 12:50 PM SHARE(S):

Rumampa na sa 2018 Victoria’s Secret Fashion Show ang Filipino-American model na si Kelsey Merritt.

Ginanawp ang fashion show sa Pier 94 sa New York City.

Ilang oras bago ang pagrampa, ipinakita pa ni Merritt sa kaniyang Instagram Account ang kaniyang video habang nagpa-practice.

Nag-post din siya ng mga larawan habang inaayusan.

Hindi binigo ni Merritt ang mga proud na proud na Filipino fans nang siya ay rumampa.

Sa kaniyang pagrampa nakapagtala ng kasaysayan ang 21-anyos na Fil-Am model.

Ito ay bilang kauna-unahang Filipina model na rumapa sa fashion show ng Victoria’s Secret.

 

TAGS: Kelsey Merritt, Victoria's Secret, Kelsey Merritt, Victoria's Secret

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.