P340K na halaga ng shabu nasabat sa buy-bust sa Albay

By Dona Dominguez-Cargullo November 09, 2018 - 11:20 AM SHARE(S):

Aabot sa P340,000 na halaga ng ilegal na droga ang nasabat sa isinagawang buy-bust operation sa Daraga, Albay.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), naarestp sa nasabing operasyon ang suspek na si Joseph Sahagun alyas Seph, 33 anyos at residente ng Camarines Sur.

Ginawa ang operasyon sa Barangay Binitayan kung saan isang undercover agent ng PDEA ang nagpanggap na bibili ng shabu kay Sahagun.

Nasabat kay Sahagun ang aabot sa 50 grams ng shabu na nakalagay sa dalawang plastic sachet.

Nakakulong na ngayon sa pasilidad ng PDEA sa Legazpi City ang suspek.

TAGS: Daraga Albay, drug suspect, Radyo Inquirer, Daraga Albay, drug suspect, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.