Jolina Magdangal at Marvin Agustin muling magtatambal sa pelikula

By Jimmy Tamayo November 09, 2018 - 10:35 AM SHARE(S):
IG Photo

Good news sa kanilang mga fans, muling magsasama sa isang pelikula ang tambalan nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal.

Kinumpirma ito mismo ni Jolens sa kanyang morning show na Magandang Buhay.

Ayon kay Jolens, matagal na nilang balak na magsamang muli sa isang proyekto at posible aniyang maganap na ito sa susunod na taon.

Dagdag pa niya na posibleng sila din ang mag-produce ng nasabing movie dahil nais daw niyang maging maganda ang pagbabalik tambalan.

Huling napanood ang tambalang marvin at jolina dalawang dekada na ang nakalipas.

Kamakailan, nag-celebrate si Jolina ng kanyang 40th birthday sa nabanggit na programa.

TAGS: jolina magdangal, Marvin Agustin, jolina magdangal, Marvin Agustin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.