Timing ng paghirang bagong DICT secretary, kinwestyon ni Acting Secretary Eliseo Rio

By Dona Dominguez-Cargullo November 09, 2018 - 10:21 AM

Nagtataka si Department of Information and Communications Technology (DICT) Acting Sec. Eliseo Rio Jr., kung bakit kailangan madaliin ang pagpapalit ng pamunuan ng kagawaran sa kalagitnaan ng paghirang sa 3rd telco.

Reaksyon ito ni Rio kasunod ng pahayag ni Senator Gringo Honasan na tinatanggap na niya ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na pamunuan ang DICT.

Ayon kay Rio hindi niya maunawaan kung bakit kailangang ngayon siya palitan sa nasabing pwesto kung kailan abalang-abala sila sa paghirang ng bagong telco sa bansa.

“I would not understand why I have to be changed in midstream of a very important activity that would finally bring a significant improvement in telecommunication industry,” ayon kay Rio sa kaniyang mensahe sa Philippine Daily Inquirer.

Dagdag pa ni Rio na wala rin siyang nakikitang dahilan para madaliin ang pag-take over ni Senator Honasan sa pwesto.

Umaasa si Rio na mabigyan pa siya ng ilan pang mga linggo para manatili bilang acting secretary ng DICT at maisapinal ang pagpasok ng 3rd telco player na aniya ay labis niyang pinaghirapan.

“I see no urgency in Senator Honasan taking over, at least until I fully finish this job on the third telco”, dagdag pa ni Rio

 

TAGS: 3rd telco, dict, eliseo rio, gringo honasan, 3rd telco, dict, eliseo rio, gringo honasan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.