Air Force chopper crash sa Saranggani hindi dahil sa technical error
Ang masamang lagay ng panahon umano ang dahilan ng pagbagsak ng helicopter ng Philippine Air Force sa bahagi ng Malapatan, Saranggani noong Sabado.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Armed Forces of the Philippines, ‘environmental factor’ at hindi ‘technical error’ ang dahilan ng pagbagsak ng PAF UH1 helicopter na ikinasugat ng siyam na sakay nito.
Kabilang sa nasugatan sa nasabing insidente ang dalawang piloto ng chopper.
Patuloy pa ring nagpapagaling sa ospital ang mga nasugatang sakay ng helicopter.
Sinabi ng AFP na hindi depektibo at maayos ang kondisyon ng UH1.
Nagsasagawa noon ng casualty evacuation mission ang mga sundalong sakay ng UH1 nang biglang makaranas ng malakas na hangin dahilan para mapwersa ang piloto na magpatupad ng crash-land.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.