Dating First Lady Imelda Marcos hinatulang guilty sa pitong bilang ng kasong graft

By Dona Dominguez-Cargullo, Erwin Aguilon November 09, 2018 - 09:51 AM

INQUIRER FILE PHOTO

Hinatulang guilty ng Sandiganbayan sa pitong bilang ng kasong graft si dating unang ginang at ngayon ay Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos.

Ang kaso ay may kaugnayan sa mga kinasangkutan nitong usapin ng katiwalian noong panahong siya ay gobernador ng Metro Manila.

Sa desisyon ng Sandiganbayan 5th division, napatunayang guilty si Marcos sa pitong bilang ng kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at sinentensyang makulong ng anim hanggang labingisang taon para sa bawat bilang ng kaso.

Hindi dinaluhan ni Marcos ang promulgation ng korte sa kaniyang kaso.

Maliban sa hatol na pagkakakulong ay diniskwalipika rin siya ng Sandiganbayan sa pag-upo o paghawak sa anumang pwesto sa gobyerno.

Sa reklamo na unang inihain noong taong 1991, kabilang sa mga akusasyon kay Marcos ang pagkakaroon ng interest at partisipasyon sa ilang non-government organizations sa Switzerland mula 1978 hanggang 1984.

Kabilang sa mga organisasyon ay ang mga sumusunod:

Vibur Foundation
Maler Establishment
Trinidad Foundation
Rayby Foundation
Palmy Foundation
Aguamina Foundation
Avertina Foundation

Inakusahan din ng Ombudsman si Marcos ng paglilipat ng ill-gotten wealth na nagkakahalaga ng halos $30 million patungo sa isang French Bank gayong wala pang $1 milyon ang idineklara niyang lawful income para sa taong 1965 hanggang 1985.

TAGS: graft, Imelda Marcos, Radyo Inquirer, sandiganbayan, graft, Imelda Marcos, Radyo Inquirer, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.