Ika-100 bata na pinaniniwalaang nasawi sa Dengvaxia isinailalim sa autopsy ng PAO
Isinailalim sa autopsy ng Public Atorney’s Office (PAO) ang ika-100 bata na pinaniniwalaang nasawi matapos maturukan ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia.
Hinukay ang katawan ng batang lalaki na si Carl Guillier Alfaro base na rin sa kahilingan ng kaniyang magulang na isailalim ito sa autopsy.
July 19, 2018 nang masawi si Alfaro na tatlong beses naturukan ng Dengvaxia.
Matapos maisagawa ang autopsy, natuklasan ang pagdurugo sa utak at internal organs ng bata.
May pamamaga rin sa kaniyang internal organs gaya ng sintomas na nakita rin sa mga naunang mga bata na isinailalim sa otopsiya ng PAO.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.