Landlords posibleng may matinding galit sa pinaslang na human rights lawyer – Rep. Villarin

By Erwin Aguilon November 09, 2018 - 09:09 AM SHARE(S):

Naniniwala si Akbayan Party-list Rep.Tom Villarin na matindi ang galit ng malalaking land owners sa pinaslang na National Union of People’s Lawyers (NUPL) member na si Atty. Benjamin Ramos.

Ayon kay Villarin, naging target si Ramos dahil umano sa pagprotekta niya at pagsisilbing abogado sa mga magsasaka laban sa human rights violators.

Naniniwala rin siyang inudyukan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga salarin para patayin ang abogado bunsod na rin ng mistulang pagtaguyod umano niya sa karahasan.

Nangangamba si Villarin na patuloy na iiral ang kultura ng kalayaan sa pamamaslang sa bansa kung saan manganganib ang buhay ng mas maraming abogado, community leaders, babae at kabataan.

Nananawagan naman siya na imbestigahan agad ang kaso ng pagpatay kay Ramos pati na sa iba pang human rights defenders at panagutin ang mga may sala.

TAGS: Ben Ramos, human Rights lawyer, NUPL, Tom Vilalrin, Ben Ramos, human Rights lawyer, NUPL, Tom Vilalrin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.