Pangulong Duterte sa 3rd telco: May pera at maayos ang state of electronics ng China
Welcome kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakahirang ng China Telecommunications Corporation na bahagi ng Mislatel bilang ikatlong telco sa bansa.
Sa pahayag ng pangulo sa isang Chinese News Agency, sinabi nitong napatunayan naman na ng China ang galing nito at kalidad pagdating sa usapin ng electronics.
Sinabi ng pangulo na ang pagkakapili ng National Telecommunications Commission (NTC) sa consortium gn China Telecom, Udenna Corporation at Chelsea Logistics Holding Corp., ay tatapos sa duopoly sa telecommunication industry sa Pilipinas.
“In a free enterprise democracy like the Philippines if the other two go into a cartel they can monopolize (the industry) and if they have a monopoly you cannot go to another entity for help (because) they’ll always manipulate the prices and the quality remains the same. They won’t bother to improve on their capacity or even their viability of their communications because there is no competition,” ayon sa Pangulo.
Dagdag pa ni Pangulong Duterte, may pera ang China at de-kalidad ang state of electronics nito.
Ang napiling consortium ay bibuo ng Udenna Corp. ni Dennis Uy mula Davao City, at logistics arm nito na Chelsea. Habang ka-partner nila ang China Telecom.
Ang China Telecom ay isa sa pinakamalaking telecommunications providers sa China.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.