Ekonomiya ng bansa muling aarangkada dahil sa Build, Build, Build program – DOF
Sasandal sa ‘Build, Build, Build’ Program ang ekonomiya ng bansa.
Ito ang buong tiwalang sinabi ni Finance Sec. Carlos Dominguez III at aniya muling uusad ang ekonomiya kapag nasimulan na ang malalaking infrastructure projects ng gobyerno.
Reaksyon ito ni Dominguez dahil sa naitalang mabagal na pagusad ng ekonomiya ng bansa noong Hulyo hanggang Setyembre.
Ang naitalang 6.2 porsiyentong gross domestic product ay mababa pa sa 6.3 porsiyento noong Abril hanggang Mayo.
Ang pagbagal ay bunga ng mataas na halaga ng mga bilihin.
Idinagdag pa ng kalihim na nakatuon ang atensyon ngayon ng gobyerno na pagbutihin ang suplay at presyo ng mga pangunahing pagkain.
Banggit pa nito, nagsimula naman na rin bumaba ang presyo ng ilang bilihin, partikular na ang mga produktong-petrolyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.