Retrieval operation sa Natonin, Mt. Province inihinto muna; 3-araw nang walang nakukuhang bangkay

By Dona Dominguez-Cargullo November 09, 2018 - 08:22 AM

Mt. Province PDRRMO

Tatlong magkakasunod na araw nang walang nakukuhang bangkay sa ground zero sa natabunang gusali ng DPWH sa Natonin, Mountain Province.

Alas sais ng gabi ng Huwebes, Nov. 8 nagpasya ang Search and Retrieval Operation Groups na itigil na ang operasyon sa national level at ipasa na sa provincial level ang pagpapasya sa pagpapatuloy ng paghahanap.

Sa ngayon nananatiling 11 pa ang nawawalang biktima.

Nasa 17 naman na ang narecover.

Ngayong araw nagsagawa ng final meeting ang Provincial Local Government Unit (PLGU) ng Mountain Province, Natonin LGU at ang pamilya ng mga nasawi.

Tinalakay sa pulong ang pag-turnover na ng operasyon sa Provincial Government sa pamamagitan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ng Mountain Province.

TAGS: Mountain Province, Natonin, Mountain Province, Natonin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.