Days of mourning idineklara sa Aguinaldo, Ifugao para sa mga nasawi sa landslide sa Natonin
Nagdeklara ng days of mourning sa bayan ng Aguinaldo sa lalawigan ng Ifugao dahil sa pagkasawi 10 residente nito na kasama sa mga natubunan sa landslide sa DPWH Building sa Moutain Province.
Sa bisa ng executive orde na nilagdaan ni Aguinaldo Mayor Gaspar Chilagan, nagdeklara ito ng days of mourning na tatagal ng 7-araw.
Ipinag-utos na ilagal sa half-mast ang lahat ng watawat ng Pilipinas sa mga ahensya ng gobyerno.
Kinansela din ang lahat ng events sa lokal na pamahalaan sa panahon ng days of mourning.
Sa 29 na na-trap sa natabunang gusali ng DPWH ay 10 ang residente ng Aguinaldo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.