Ex-Marine na namaril sa California dumaranas ng post traumatic stress disorder

By v November 09, 2018 - 07:57 AM SHARE(S):
FB Photo

Posibleng nakararanas umano ng post traumatic stress disorder ang isang ex-Marine na namaril sa California.

Ayon sa Ventura County sheriff, ang 28 anyos na si Ian David Long ay naninirahan sa Newbury Park hindi kalayuan sa bar kung saan siya namaril.

Noong Abril, inireklamo na umano si Long dahil sa panggugulo.

Sinabi ni Sheriff Geoff Dean noong panahon na iyon, umaakto ng tila irita si Long at nang ipasuri sa mga health oprofessional ay sinabing hindi naman kailangang ipasok ito sa pasilidad.

Sa pahayag naman ng mga kapitbahay ni Long, alam umano nilang may problema ito.

Madalas umano nilang nakikitang tila ito irita at sinisipa ang pader ng bahay.

12 ang nasawi sa insidente kabilang na si Long.

TAGS: California shooting, Ian David Long, California shooting, Ian David Long

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.