Fil-Am kabilang sa nasawi sa mass shooting sa California

By Dona Dominguez-Cargullo November 09, 2018 - 07:03 AM SHARE(S):
IG photo

Isang Filipino-American ang kabilang sa mga nasawi sa mass shooting sa California.

Sa ulat ng USA Today, kinilala ang Fil-Am na si Alaina Housley, 18 anyos at estudyante sa Pepperdine University.

Ang kaniyang ina ay Pinay na si Hannah Pinsalan Housley.

Ang biktima ay pamangkin ng Hollywood actress na si Tamera Mowry-Housley.

Sa kaniyang post sa Instagram, kinumpirma ni Tamera ang pagpanaw ng pamangkin.

Sinabi nitong labis na nagluluksa ang pamilya dahil sa sinapit ni Alaina.

TAGS: Alaina Housley, California shooting, Fil Am, Alaina Housley, California shooting, Fil Am

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.