Isa na namang pulis tinambangan sa Quezon City

By Dona Dominguez-Cargullo November 09, 2018 - 06:55 AM SHARE(S):

Isa na namang pulis ang tinambangan sa Quezon City, Huwebes ng gabi.

Si Supt. Edgar Cariaso ay nakatalaga sa Internal Affairs Service sa Camp Crame kung saan bahagi ng kaniyang trabaho ang mag-imbestiga ng mga kapwa pulis na inirereklamo.

Isang lalaki na nakasuot ng baseball cap ang lumapit sa biktima sa bahagi ng Kaliraya Street sa Barangay Tatalon at saka siya pinagbabaril.

Agad namang naisugod sa ospital si Cariaso at patuloy na inoobserbahan ang kondisyon nito.

Noong Miyerkules ng gabi, isang pulis din ang tinambangan habang nasa loob ng kaniyang sasakyan sa V. Luna Street sa Barangay Malaya sa lungsod din ng Quezon.

TAGS: ambush, police, quezon city, Shooting Incident, ambush, police, quezon city, Shooting Incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.