2 nanloob sa isang computer shop sa QC, patay sa engkwentro

By Dona Dominguez-Cargullo November 09, 2018 - 06:36 AM SHARE(S):
Police banner

Nasawi ang dalawang lalaki sa engwkwentro sa mga pulis sa Barangay Nagkaisang Nayon sa Quezon City.

Ayon sa may-ari ng isang computer shop sa barangay narinig niyang pinupukpok ang gate ng establisyimento at nang silipin niya ito ay nakita niyang ninanakaw na ng dalawang suspek ang flat screen TV, CPU at isang tablet.

Nakita niya ring may hawak na baril ang mga suspek kaya humingi siya ng tulong sa mga otoridad.

Ayon kay Supt. Rossel Cejas, hepe ng Quezon City Police District Station 4, agad nagtungo ang kanilang mga tauhan sa lugar.

At nang makita ng mga salarin ang pulis ay agad silang nagpaputok.

Nauwi sa engkwentro ang insidente na ikinasawi ng dalawang hindi pa nakilalang mga suspek.

Nakuha naman sa crime scene ang mga ninakaw na gamit at mga baril na gamit ng dalawa.

TAGS: metro, police report, quezon city, Radyo Inquirer, metro, police report, quezon city, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.