Amihan umiiral na muli sa extreme northern Luzon

Walang binabantayang bagyo o namumuong sama ng panahon ang Pagasa sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR)

Nagbalik naman ang pag-iral ng northeast monsoon o amihan sa extreme northern Luzon habang apektado ng easterlies ang malaking bahagi ng bansa.

Magiging maaliwalas ngayong araw ang panahon sa buong Luzon kabilang ang na ang Metro Manila at makararanas lamang ng mga isolated na pag-ulan sa hapon o gabi dahil sa thunderstorms.

Sa Visayas naman at at Mindanao, magiging maganda ang panahon ngayong araw at localized thunderstorms lamang din ang iiral.

Wala namang gale warning na nakataas saanmang bahagi ng Pilipinas kaya maaring makapaglayag ang mga sasakyang pandagat.

 

Read more...