Metro Manila, mga kalapit na lalawigan maagang inulan

By Dona Dominguez-Cargullo November 09, 2018 - 05:04 AM SHARE(S):

Nakaranas ng maagang pag-ulan sa Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.

Alas 4:53 ng umaga nang magpalabas ng rainfall information ang PAGASA.

Nakasaad na nakararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Las Piñas, Parañaque, Muntinlupa, Pasay, Taguig, Pateros, Maynila, Mandaluyong, Pasig, San Juan at Marikina.

Parehong lagay din ng panahon ang naranasan sa Rizal, mga bayan ng Sta. Maria, Biñan, Sta. Rosa, Cabuyao, Calamba, Los Baños at Pila sa Laguna; Bacoor, Imus, Dasmariñas. GMA, Carmona, Cavite City, Noveleta, Kawit, Rosario, Binakayan, at Silang sa Cavite; Tanauan, Malvar, Lipa, at Sto. Tomas, Batangas; Real, Infanta, Mauban, Perez, Alabat, Tayabas, Pagbilay, Polilio Island, at Lucena sa Quezon.

Pagsapit naman ng alas 6:04 ng umaga muling nagpalabas ng rainfall information ang PAGASA sa NCR.

Ayon sa ikalawang abiso, ang Quezon City,
Pasig, Marikina, Valenzuela, Malabon, Maynila, Navotas, at Caloocan.

Sakop din ng abiso ang mga bayan ng Antipolo, San Mateo, Rodriquez, Cainta, Taytay, Angono, Teresa, Morong, Baras at Tanay.

Gayundin ang bayan ng Sta. Maria at Mabitac sa Laguna; Orion sa bataan at mga bayan ng Infanta, Polilio Island, Calauag, Tiaong, at San Antonio sa Quezon,

Bayan ng Rosario, San Juan, at Taysan sa Batangas at Maragondon at Naic sa Cavite.

Sa ilalim ng rainfall advisory ng PAGASA ang pag-ulang nararanasan ay tumatagal ng isa hanggang dalawang oras matapos ipalabas ang abiso.

TAGS: Radyo Inquirer, rainfall advisory\], weather, Radyo Inquirer, rainfall advisory\], weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.