Halos 300 ektaryang lupain sa Boracay, ipinamahagi ni Pangulong Duterte

By Rhommel Balasbas November 09, 2018 - 04:22 AM SHARE(S):

Tinupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pangako na ipamahagi ang ekta-ektaryang lupain sa Boracay sa mga agrarian reform beneficiaries.

Sa kauna-unahang pagkakataon matapos muling buksan sa publiko ang Boracay noong October 26 ay pumunta sa isla ang presidente.

Pinangunahan nito ang pamamahagi ng 523 land ownership certificates sa 484 recipients kabilang ang 45 miyembro ng katutubong Ati.

Ang mga Ati ay ang mga orihinal na inhabitants ng isla.

Sa kanyang talumpati sinabi ng pangulo na ang pamamahagi ng mga titulo ay nagdulot ng lubos na kasiyahan sa kanya.

Kinilala ng pangulo ang mahalagang papel ng mga magsasaka sa pagsiguro sa food security ng bansa at tiniyak na susuportahan ng kanyang administrasyon ang mga ito upang mas maging produktibo.

“Today, we acknowledge our farmers’ important role in nation-building as they work tirelessly to ensure food security across the country. I assure you that this administration will continue to protect and uphold your right to own, control, secure, cultivate lands, and reap the benefits of the agricultural lands you till,” ayon sa presidente.

Hinimok naman ni Duterte ang mga benepisyaryo na tulungan ang gobyerno sa pagbuo ng mas progresibong hinaharap para sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.