Duterte itinangging may kinalaman ang gobyerno sa pagpatay kay Atty. Ramos

Binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdawit sa gobyerno sa pagpatay sa human rights lawyer na si Atty. Benjamin Ramos.

Pinagbabaril ang naturang abogado sa Kabankalan, Negro Occidental noong Martes.

Matapos pamunuan ang pamamahagi ng land titles sa Boracay, iginiit ng pangulo na walang dahilan para ipapatay si Ramos.

“Kami pa ang pagbibintangan ang gobyerno What the fucking shit? Why would I kill a lawyer? Napaka-small time. Why would I assasinate him? For what?”, ani Duterte.

Si Ramos ay isa sa mga abugado ng mga pamilya ng mga magsasaka na pinatay sa Sagay City noong nakaraang buwan.

Read more...