10 miyembro ng Budol-budol gang arestado sa Makati

By Rhommel Balasbas November 09, 2018 - 03:13 AM SHARE(S):
Contributed Photo

Naaresto ng mga awtoridad ang 10 miyembro ng Budol-budol gang sa Powerplant Mall, Rockwell, Poblacion, Makati City.

Nabiktima ng mga budol-budol ang isang matanda na nakilalang si Puratoryo Catalina, 70 anyos, residente ng Sta. Ana, Maynila.

Ipinagbigay alam agad ng mga rumespondeng security guard sa mga pulis ang insidente na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek.

Nakilala ang mga suspek na si Angelita Ditos, 52 anyos; Mabelle Lopez, 42 anyos; Elenita Alba, 58 anyos; Analyn Perez, 43 anyos; Marie Cablo, 37 anyos; Linda Marquez, 44 anyos; Adelmo Ranas, 58 anyos; Ramon Bertuldo, 51 anyos; Jerry Apao 59 anyos at Edgar Yabut, 60 anyos.

Nakuha sa mga suspek ang pera na aabot sa P250,000, boodle pad money, balisong, mga dolyares, alahas, iba’t ibang uri ng shoulder bags at mga pitaka, at dalawang sasakyan.

Marami na ring sumugod sa Makati City Police Station 6 na nabiktima ng mga suspek at nakatakdang magsampa ng patung-patong na kaso laban sa mga ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.