12 patay sa anti-illegal drug operations sa Laguna

By Rhommel Balasbas November 09, 2018 - 02:47 AM

Patay ang 12 katao habang 79 ang arestado sa serye ng illegal drug operations sa lalawigan ng Laguna mula Miyerkules hanggang Huwebes.

Sa impormasyon mula sa Laguna Police, naalarma sila sa mga nakalap na impormasyon na may mga armas ang mga drug pushers sa probinsya.

Ayon kay Laguna Police Public Information Office Chief Insp. Jojo Sabeniano, ang natanggap na impormasyon ay dahilan ng paglulunsad nila ng intelligence driven operations.

Sa nagdaang dalawang araw ay nagkaroon ng mga engkwentro na nagresulta sa pagkakasawi ng 12 katao kung saan 11 dito ay hinihinalang tulak ng droga.

Sugatan ang isang pulis matapos matamaan ng bala sa binti sa bayan ng Nagcarlan.

Nakumpiska ng pulisya ang aabot sa 40 gramo ng ipinagbabawal na gamot na tinatayang may halagang P100,000.

Nagsagawa rin ng operasyon ang Laguna police sa umano’y ulat na bentahan ng iligal na armas at nauwi rin ito sa engkwentro.

Inaalam na ng mga awtoridad kung sino ang mga supplier ng mga naaresto at nasawing mga suspek.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.