Sa ambush interview matapos pamunuan ang pamamahagi ng land titles sa Boracay, sinabi ng pangulo na naghahanap na siya ng bagong tagapagsalita.
Hindi anya kayang gawin ni Panelo ang trabaho.
Sa ngayon anya ay si Panelo muna ngunit ikinokonsidera niya na ang ibang personalidad.
“I don’t think he can position himself to a spokesman. Maybe in the meantime, but I’m considering other names,” ani Duterte.
Ayon sa pangulo, nais niyang magtalaga ng isang personalidad mula sa media na maging kanyang spokesperson.
Sanay na anya kasi ang mga ito na tumugon sa mga katanungan,
“Mahirap. I’m scouting for… pero preferably one from media community. Sanay eh. Sanay mag… You would know how to respond to questions,” dagdag ni Duterte.
Matatandaang itinalaga si Salvador Panelo kapalit ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque matapos magdesisyon ang huli na tumakbo sa May 2019 elections.