Pagsuporta ng Palasyo sa mandatory drug test sa grade 4 students ikinatuwa ng PDEA

By Rhommel Balasbas November 09, 2018 - 02:04 AM

Welcome sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang suporta ng Palasyo ng Malacañang sa kanilang panukalang mandatory drug test sa grade 4 students pataas.

Sa isang pahayag, sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na ang suporta ng tanggapan ng pangulo ay pagsulong sa giyera kontra droga ng administrasyon.

Iginiit ni Aquino na kaya nila itinutulak ang panukala ay dahil umabot na sa 1,820 menor de edad ang kanilang nasagip mula sa 2016 dahil sa ipinagbabawal na gamot.

Karamihan anya rito ay nagtutulak at ang pinakabata ay anim na taong gulang.

Patunay lamang anya ito na talamak na rin ang bawal na gamot sa mga estudyante na lubhang nakakabahala at kailangan nang tugunan ng PDEA at iba pang ahensya ng gobyerno.

Ikinatuwa rin ni Aquino ang positibong pagtanggap ng mga Filipino sa panukala batay sa resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan lumabas na 51 porsyento ang sang-ayon dito.

Nagpapatatag lamang anya ito sa kanilang layuning maging drug-free ang bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.