Pope Francis, idineklara nang ‘venerable’ si dating Lipa Bishop Alfredo Obviar

Kinilala ni Pope Francis ang ‘heroic virtues’ ni dating Lipa Bishop Alfredo Obviar dahilan para ito ay maideklarang isang ‘venerable’.

Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), inilabas ng Santo Papa kahapon ang decree na nagdedeklara na isa nang ‘venerable’ si Obviar.

Ang naturang hakbang ay nagpasulong sa proseso upang maging santo ang dating obispo.

Sakaling magkaroon ng isa pang himala na kinikilala ng Congregation for the Causes of the Saints ay idedeklara nang isang ‘Blessed’ o pinagpala si Obviar.

Kapag mayroon pang isang himala na maaprubahan ay idedeklara nang ‘Santo’ ang dating obispo sa pamamagitan ng ‘canonization’.

Ipinanganak sa Lipa City, Batangas si Obviar noong 1889 at kauna-unahang obispo ng Diocese of Lucena.

Itinatag nito ang Missionary Catechists of Saint Therese of the Infant Jesus na isang religious congregation para sa mga kababaihan.

Namatay ang obispo noong October 1978 sa Lucena.

Sa kasalukuyan, mayroong dalawang santo ang bansa, sina San Lorenzo Ruiz at San Pedro Calungsod.

Read more...