13 katao kabilang ang gunman patay sa shooting sa California

By Len Montaño, Rhommel Balasbas November 09, 2018 - 01:16 AM

Labingtatlo katao ang patay sa kagimbal-gimbal na shooting incident sa isang country music bar na puno ng mga college students sa California.

Ayon kay Ventura County Sheriff Geoff Dean, nakilala ang suspek na si Ian David Long, 28 anyos na pinaniniwalaang pinatay ang kanyang sarili.

Naghagis muna ito ng mga granada sa loob ng Borderline Bar and Grill pagkatapos ay namaril.

Ang naturang bar ay patok sa mga estudyante dahil sa malaki nitong country dance hall.

Ayon kay Dean, isang dating Marine si Long at napag-alamang nagkaroon ng mga insidente kung saan namataan itong iritable mismong ng kanyang mga deputies noong Abril.

Kabilang naman sa mga nasawi ay isang pulis at kinilalang si Sgt. Ron Helus habang higit 15 katao ang nasaktan dahil sa insidente.

Ito ang pangalawang mass shooting sa Amerika sa loob lamang ng 2 linggo.

TAGS: Borderline Bar and Grill, California shooting, Borderline Bar and Grill, California shooting

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.