Maraming pamilya nakatira pa rin sa danger zones sa Tacloban City

By Len Montaño November 09, 2018 - 01:13 AM

Libu-libo pa ring mga pamilya ang nakatira sa danger zones sa Tacloban City 2 taon matapos iutos ni Pangulong Rodrigo na bilisan ang pagtatayo ng pabahay para sa mga nakaligtas sa Super Typhoon Yolanda.

Una nang nagpahayag ang Pangulo ng pagka-dismaya sa mabagal na distribusyon ng permanenteng housing units sa mga nabiktima ng Bagyong Yolanda.

Noong 2016 ay inutusan ni Duterte si dating presidential assistant for Visayas Mike Diño na agad kumpletuhin ang pabahay.

Pero ayon kay People Surge president Efleda Bautista, marami pa ring nakatira sa danger zones partikular sa coastal areas.

Aminado naman si Tacloban City Vice Mayor Jerry Yaokasin na mabagal ang recovery efforts at marami pa ring pamilya ang nasa danger zones.

Sinabi naman ng ilang residente na walang silang choice kundi hintayin ang plano ng gobyerno para sa kanila.

Sa datos ng Tacloban City Housing Office, mahigit 17,000 pamilya ang kailangan ang permanenteng resettlement pero hanggang April 2018, nasa 5,000 pa lamang ang may mga bahay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.