John Cena susunod na Captain America?

By Len Montaño November 09, 2018 - 12:30 AM SHARE(S):

Ang wrestling superstar na si John Cena na nga ba ang susunod na Captain America?

Nag-post si Cena sa Instagram ng larawan ng shield ni Captain America pero wala itong inilagay na caption bilang paliwanag sa imahe.

Naintriga tuloy ang mga netizens at marami ang nagtanong kung siya na ba ang papalit kay Chris Evans bilang Captain America.

Kung may mga taong gusto si Cena bilang sunod na Captain America, ilan naman ang ayaw na siya ang gaganap sa naturang Marvel character.

Noong Marso ay sinabi ni Evans na handa na niyang iwan ang pagiging Captain America matapos ang reshoot para sa ika-apat na “Avengers” film.

Sunod nitong pinost na opisyal na niyang natapos ang sequel ng “Avengers: Infinity War.”

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.