Lumagda na ang Pilipinas at Japan ang P18 Billion loan agreement para sa maintenance at rehabilitasyon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).
Sina Finance Sec. Carlos Dominguez III at Japan International Cooperation Agency (JICA) Senior Vice President Yasushi Tanaka ang lumagda sa loan deal sa tanggapan ng Department of Office.
Nakapaloob sa pautang ang interest rate na 0.1% kada taon at may repayment period na 28 taon makalipas ang 12 taong grace period.
Ang Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries ng Japan ang muling magsasagawa sa maintenance at rehabilitasyon ng MRT-3.
Ang naturang kumpanya ang unang maintenance contractor ng MRT-3 sa unang 12 taon ng operasyon nito.
Mula 15 ay inaasahang magiging 20 na ang bibiyaheng tren kada araw, bibilis ang biyahe sa 60 kilometers per hour at bababa sa 3.5 minuto ang tagal ng pagdating ng tren.
Aabutin ng 43 buwan ang rehabilitasyon ng MRT-3 at ilan sa mga aayusin ay ang power supply, CCTV system, radio and public address system, signaling system, elevators at escalators sa mga istasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.