Miss Earth sponsor na inireklamo ng sexual harassment inalis na

By Len Montaño November 08, 2018 - 07:29 PM

Kinumpirma ng organizer ng Miss Earth 2018 na tinanggal na nila ang sponsor na inireklamo ng umanoy sexual harassment ng 3 kandidata sa ginawang beauty pageant dito sa Pilipinas.

Ayon kay Lorraine Schuck, Executive Vice President ng Carousel Productions na namumuno sa Miss Earth pageant, agad umaksyon ang team managers ng pageant matapos nilang malaman ang nangyari kay Miss England Abbey-Anne Gyles-Brown at Miss Canada Jaime Vandenberg.

Nakausap na anya ng team managers ang mga kandidata at kung ano ang naging karanasan nila sa naturang sponsor.

Sa social media ay sinabi ng mga kandidata na inimbitahan sila ng sponsor na pumunta sa Boracay kapalit ng umanoy “sexual favor.”

Ipinatawag ni Schuck ang sponsor na si Amado S. Cruz na pinangalanan ni Miss Guam Emma Mae Sheedy sa kanyang Instagram post.

Nangatwiran anya si Cruz na inimbitahan lamang niya ang mga dalaga pero hindi ito tinanggap ng organizer.

Ban na ngayon si Cruz sa Miss Earth Beauty Pageant gayunman ay hindi ito napigilan na dumalo sa preliminary event at sa coronation night.

TAGS: amado s. cruz, Lorraine Schuck, miss canada, Miss Earth, miss guam, sexual harassment, amado s. cruz, Lorraine Schuck, miss canada, Miss Earth, miss guam, sexual harassment

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.