Philippine media tinawag na “systematically negative”

By Den Macaranas November 08, 2018 - 05:55 PM

Inquirer file photo

Kinastigo ni Danish Ambassador to the Philippines Jan Top Christensen ang ilang media organizations sa bansa dahil sa mga negatibong ulat partikular na sa larangan ng pulitika.

Idinetalye ni Christensen ang kanyang obserbasyon sa forum na inorganisa ng Asian Institute of Journalism and Communication at ng International Media Support, kung saan ay tumayong sponsor ang European Union at Ministry of Foreign Affairs ng Denmark.

Sinabi ng opisyal na mahalaga ang papel ng malayang pamamahayag sa pagpapa-unlad ng kaalaman ng publiko subalit mali naman na isentro lamang ang balita sa mga negatibong puna sa pamahalaan.

“I read many different media everyday and I must say some of these media are systematically negative…. it’s lack of ethical standards, lack of professionalism,” paliwanag ng Danish official.

Gayunman ay nagpahatid ng pagkabahala si Christensen dahil sa patuloy na pagpatay sa mga miyembro ng media kung saan ay kabilang ang bansa sa may mataas na kaso ng media killings.

Sa nasabing forum ay napag-usapan rin ang ilang mga isyu sa hanay ng mga mamamahayag tulad ng mababang pasahod at kurapsyon

TAGS: danish ambassador, Jan Top Christensen, media, media killing, danish ambassador, Jan Top Christensen, media, media killing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.