Pagpasok ng Mislatel consortium sa telecom industry welcome sa Malacañang
Pinuri ng Malacañang ang pagpasok ng Mislatel Consortium bilang ikatlong telecommunications company (Telco) sa bansa.
It is a “positive development,” sabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa isang statement.
“Our people have long waited for a reliable, efficient, and inexpensive telecommunications service. The President’s strong political will has laid the foundation for its realization,” dagdag ni Panelo
Pinapurihan naman ng palasyo ang National Telecommunications Commission (NTC) sa pagkakaroon ng “patas, transparent at open selection process,” sa isinagawang bidding.
“In the spirit of fairness,” losing bidders “can appeal their cases before appropriate agencies” dagdag pa ni Panelo.
Samantala, umani naman ng papuri ang NTC at Department of Information and Communications Technology (DICT) mula sa iba’t-ibang mga mambabatas dahil sa maayos na pagsasakatuparan ng proseso para sa pagpili ng 3rd Telco sa bansa.
Ayon kay Senadora Grace Poe, sa pamamagitan nito ay magkakaroon na ng patas na kumpetisyon sa larangan ng Telco sa bansa na magreresulta naman ng mas murang halaga ng serbisyo ng mga ito.
Pinapurihan naman ni Senator Chiz Escudero ang NTC at DICT sa aniya’y “orderly bidding process” para sa pagpili ng bagong telco provider.
Bunsod nito ay naisakatuparan na aniya ang pangako ng administrasyong Duterte na pagkalooban ang mga Filipino ng mas magandang internet service sa abot-kayang halaga.
Kapwa naman nagpaabot ng pagbati ang Globe at Smart-PLDT sa NTC at DICT sa anila’y “smooth selection process”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.