High-value target arestado sa buy-bust sa Cebu City; P2.8M na halaga ng shabu nasabat

By Dona Dominguez-Cargullo November 08, 2018 - 10:57 AM SHARE(S):
CDN photo

Aabot sa 2.8 million pesos na halaga ng ilegal na droga ang nasabat ng mga otoridad sa ikinasang operasyon sa Cebu City, Huwebes (Nov. 8) ng umaga.

Ang nagkasa ng operasyon ay mga tauhan ng drug enforcement unit ng Abellana Police sa pamumuno ni Chief Insp. Eduard Sanchez.

Ayon kay Sanchez, naaresto nila sa operasyon ang high-value target na si Mary Jane Dequitos, 36 anyos at tatlo niyang kasabwat sa loob ng isang hotel sa Barangay Capitol Site.

Nagpalit pa umano ng pangalan si Dequitos at gumamit ng alyas na Apple Lipetin para makaiwas sa pag-aresto.

TAGS: cebu citiy, War on drugs, cebu citiy, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.