Mga guro sa public schools, humihirit na rin ng umento sa sahod

By Ricky Brozas November 08, 2018 - 10:11 AM

Kasunod nang P25 na umento sa sahod sa Metro Manila, nanawagan ngayon sa pamahalaan ang Alliance of Concerned Teachers o ACT na dagdagan ang kanilang buwanang sahod.

Bukod sa pagtataas ng suweldo, tinukoy ni ACT national chairperson Joselyn Martinez na dapat ding itaas ang Personnel Economic Relief Allowance (PERA) ng mga kawani ng pamahalaan.

Mula sa P2,000 nais ng ACT na gawing P5,000 ang kanilang personal allowance lalo na aniya at hindi pa nagbabago ang sitwasyon ng ekonomiya ng bansa kung saan ang mga bilihin at sebisyo ay nagtaasan.

Binanggit pa niya ang pinakahuling pagtataas sa singil sa kuryente na P0.1135/kwh na patunay na patas at makatarungan ang kahilingan o demand ng mga pampublikong guro na dagdag sahod.

 

TAGS: public school teacher, Radyo Inquirer, Salary, public school teacher, Radyo Inquirer, Salary

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.