Residential area tinupok ng apoy sa Navotas

By Dona Dominguez-Cargullo November 08, 2018 - 09:46 AM

Isang residential area ang tinupok ng apoy sa Barangay Tangos sa Navotas City.

Nagsimula ang sunog sa isang bahay malapit sa Oliveros Street alas 7:32 ng umaga.

Makalipas ang ilang minuto ay agad itinaas sa ikatlong alarma ang sunog.

Naideklara namang under control ang sunog alas 8:20 ng umaga at naideklarang fire out 9:46 ng umaga.

Umabot sa 150 pamilya ang nawalan ng tirahan dahil sa nasabing sunog.

May mga residente din na dumaing ng hirap sa paghinga dahil sa kapal ng usok na agad namang naasistihan.

Inaalam pa ngayon ng Navotas Fire Department ano ang pinagmulan ng apoy.

TAGS: fire, navotas, Radyo Inquirer, fire, navotas, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.