LOOK: Mass grave ng mga pinaniniwalaang biktima ng pagpatay ng CPP-NPA nadiskubre sa Agusan del Sur

Photo: PNP-Agusan del Sur

Natuklasan sa Agusan Del Sur ang mass grave ng pinaniniwalaang mga biktima ng pagpatay ng mga miyembro ng CPP-NPA.

Ang mass grave ay natagpuan sa liblib na lugar sa SItio Lapdap, Barangay Sta. Irene bayan ng Prosperidad.

Ang pagkakatuklas sa mass grave ay bahagi ng “Oplan Lakbay Hukay” sa pangunguna ng Presidential Adviser for Indigenous Peoples’ Concerns.

Posible umanong mga Lumad na miyembro ng Tribung Manobo ang mga natuklasang bangkay.

Kasama rin sa ‘Oplan Lakbay Hukay’ ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Read more...