Bagong ruta ng P2P buses patungong NAIA binuksan na ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo November 08, 2018 - 09:01 AM

Inumpisahan na ngayong araw ang biyahe ng panibagong ruta ng P2P bus patungo ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ang unang bagong ruta ay mula sa Alabang Town Center sa Alabang, Muntinlupa patungo ng NAIA terminals 1, 2, 3 at 4.

P110 ang pamasahe para sa nasabing biyahe.

Ang isa namang ruta ay mula sa Sta. Rosa Laguna patungo sa NAIA na may pamasaheng P190.

Ang mga pasahero na galing sa Sta. Rosa ay maaring pumili sa dalawang terminal ng P2P, sa Nuvali Estate o sa Robinsons Mall Tagapo.

TAGS: dotr, Sta. Rosa Laguna, dotr, Sta. Rosa Laguna

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.